Sunday, January 9, 2011

Anonas

Lakad dito, lakad d0on
Ang makikita sa kantong ito,
Luntian,pula, at kahel
Liwanag na nagpapagalaw dito,magtatakda ng pagkilos mo,

Minsan sa jip ako'y nakasakay,
Sa kantöng ito'y napadaan,
Sa kahel na liwanag
Ako'y bumaba, para pagmasdan tao at paggalaw.

Tao sa kaliwa, tao sa kanan, nakakahilo kung pagmasdan,
Wala kong magagawa kundi tumulala,.

Kisap mata ,isang saglit at oras ay dumaan,nandito parin ako nakatyo habang nakasandal, sa posteng asero'y
nagaantay ng hindi ko alam.

Isa pang saglit guzto ko ng umalis, kalooban ko'y naiinip,
Ngunit paa ko'y tumatanggi,
Walang magawa kundi magsorbetes nalang,pamatay sa umiiral na kainipan.

Nakatayo uli't hindi ko alam,kung ano ang inaantay,
Lakad dito,lakad doon,sorbetes ko'y tumutulo na doon,
Inaantay ko'y di parin alam,
Nanatiling nakatayo at tulala,

Isa, dalawa, limang saglit ang lumipas, puso'y biglang tumibok ng malakas,
may paparating na hndi ko alam,

Lingon dito, parang sira,
At muling napatulala,
Pagkakataong ito'y tiyak na,
Kaya pala,
Kaya pala,

Mundo'y bumagal,
Parang nasa ilalim ng dagat,
Dulot ng binibining nakalutian, kasing yumi ng kalikasan.

Tibok ng puso'y bumibilis,
Ako'y kinakabahan,
Pagkat ang mayuming binibini'y
Papalapit sa aking harapan,

Ilang kisap mata'y ako ay nagulat,pagkat ang binibini'y narito na,
Malakas akong mag salita,
Pero ako'y natamimi,
"pambihira ang ganda nya"

Gaya ng dulot ng mga liwanag ,mundo ko'y huminto't hindi makagalaw, nakatingin sa mayuming binibining dumalaw.

Mula d0on ay napagtanto,
Dhilan ng pagbaba roon,
At bakit naghintay doon,
Kani adto..

Ang kant0ng iy0n pala,
May sentimiyento't halaga,
Pagkat doon ko nakilala
Ang pinakamamahal ko talaga
                                                         

1 comment: