Ayun wala akong maisip paano ito lalagyan ng mga salita,
Ganito nalang gagawing nating malaya,
bibigkasin lahat ng naiisip.
pipindutin lhat ng titik
Tahimik,mabait at masunurin,
yan ang tawag nila sa akin,
lumaki sa buhay na payak at mga hangarin
walang alam sa mundo kundi panaginip,
panaginip sa aki'y panaginip,
ako ay seylado,de numero, at ipinapanuto,
parang robot na sira ang ulo
Lumipas ang panahon nag iba ang mundo,
napunta sa landas na magulo,
Kainosentihan ay napalo,
"namulat sa itsura ng mundo"
Nakakagulat, nakakatakot,nakakakilabot
hindi ko alam anung aking gagawin.
ayun nakipamuhay sa mga tarantado,
at natuto paano makihalubilo,
isang taon dalawang taon at tatlong taon
ang tagal na panahon,
napagtanto na nakalimutan ang sarili,
dahil s ako'y isang tarantadong malaki,
ang mga panaginip ay nais abutin,
pagkat simple at madaling abutin,
hindi ako nagsisi sa mga pinag daanan ko
pagkat marami akong natutunan sa pagiging tarantado
ang totoo?
"Mahirap, hindi ko na kaya pa"
wag sanang ipagkamali ang aking naging pasya,
gusto ko na kasing magpasya.
at ayun inumpisahan ko na,
harapin ang agos gamit ang sariling paa,
"putang ina!, kaya lang"
"makakaya ko na"
ayun hindi ko alam ang dapat sasabihin..
yun ang lang salitang aking naiisip
pasensiya na sa ibang ibig sabihin,
hindi iyon ang aking ibig sabihin
Ingat sa mga naging kaibigan,
hindi ko naman kayo tinalikuran,
nandito lang ako sa may likuran,
Kita nalang tayo sa LARANGAN ...



